Butil ng Pagpapahalaga
Venus E. Mariano, Victorina E. Mariano, Ramil D. Reyes, Evangeline S. Abrazaldo, Edgardo C. Maybituin, Annabelle A. Macabeo
- Inaasahang magiging tugon sa pagnanais ng mga mag-aaral at guro na malinang at mapagtibay ang kanilang sistema ng pagpapahalaga sa kasalukuyang panahon
- Ibinatay ang mga gawain sa mga kompetensis ng K to 12 kung saan binigyang-diin ang apat na batayan (pillar) ng edukasyon at konsepto ng UNESCO tungkol sa panghabangbuhay na kakayahan (life skills) na binubuo ng International Commission on Education para sa ika-21 siglo
- Ang limang palatandaan ay (1) may kakayahang makipagtalastasan; (2) nag-iisip nang mapanuri at may kakayahang lumutas ng suliranin; (3) ginagamit ang mga likas na yaman nang mapanagutan para sa susunod na salinlahi; (4) produktibong napauunlad ang sarili at ang pakikipagkapwa; at (5) may malawak na pananaw sa daigdig
- Ang bawat aralin sa aklat na ito ay nagtataglay ng pagkatuto na sinamahan ng mga pagsasanay na susubok sa mayamang kaisipan ng mga mag-aaral na iugnay ang paksa sa pang-araw-araw na pamumuhay gamitang iba’t ibang estratehiya
- Ang mga gawain dito ay maghahatid ng kakaibang paraan ng pagtuklas sa kaalaman kung kaya’t nilahukan ito ng mga tanong na susuri at papasok sa kaibuturan ng pagkatao ng mga mag-aaral
Subject Values Education/Edukasyong Pagpapakatao